Multo II

 "Kailangan mong magmadali, Joaquin. Marami nang masasamang espiritu ang gumagala sa mundong ito. Iba't-ibang uri ng pag-atake ang nalalaman nila. Lahat sila ay nagmula sa mga kontrabida. Karamihan ay pinakawalan nang may lihim na pakay."

"Hindi sila matahimik. Naghahasik sila ng lagim mula sa mundon ito patungo sa iba. Unti-unti, nawawala na ang balanse kung kaya't nababahala na ang Liga ng mga Kontrabida."

"Mga bata. Mga multong hindi matahimik. Ang lahat ng ito ay nananaghoy. Naghahanap ng makakatulong sa kanila. Karamihan ay nagnanais pumaslang upang mailabas ang galit at mga pagnanasa. Lahat sila, naghahanap ng kasagutan."

"Hinahanap nila ang silid."

"Subalit nakakandado ang silid. Iisa lamang ang may hawak ng susi nito, si Isabel. Subalit si Isabel ay nabilanggo rin sa gapos ng nakaraan. Hindi siya mahanap ng Liga ng mga Kontrabida upang lipulin ang mga masasamang espiritu, idaan sila sa silid, patungo sa hustisya mula sa Konseho ng mga Bida."

"Kailangan magmadali."

"Alamin. Makilahok."

"Magsisimula na ang tunay na misyon."

x-------x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts