Bida

 Naroon sa mga mithiin at imahinasyon ang mga bagay-bagay na sumisimbolo sa mga nararapat na mga ideya, ganoon din naman ang mga kaisipang bumabalanse sa mga gustong marating at mga katuruang siya namang sumasalamin sa ating pagkatao.

Ang mga Bida sa kwento ang mga pangunahing karakter na umaakto sa isang aklat, at madalas ang kanilang mga dahilan at pagkatao ang unang tinatalakay sa mga nobela. Unti-unti, sila ang sinisiraan at ipinagkakanulo ng mga Kontrabida. Sila ang pinupukol ng mga kalaban.

Ang mga aklat ng mga kwento ay hindi matatapos kung wala ang parehong paksyon. Ang mga Bida ang pangunahin, tunay nga. At ang mga Kontrabida naman ang kumukumpleto sa mga ipinaglalaban ng mga nobela, pati na ang taludtod ng mga tula at mga awiting maringal.

Kung kaya't naitatag ang Konseho at ang Liga upang bantayan ang isa't-isa, upang lahat sila ay umiwas sa mga pagmamalabis. Lahat sila ay iisa lamang ang layunin: upang itaguyod ang mga aral ng buhay na nagmumula sa pagkakasulat ng mga kwento.

Narito nga ngayon ang Konseho ng mga Bida, gagawin ang isa sa kanilang mga sinumpaang tungkulin, upang ipalaganap ang positibong mensahe, upang pigilin ang masasamang espiritu, at upang bantayan ang Liga ng mga Kontrabida sa kanilang pagnanais na tugisin ang mga lumalabag sa mga Batas ng Panitikan.

x------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng PayMaya. 

Comments

Popular Posts