Pigil

 Kanina pa nakatitig sa gintong rebolber si Beatrice habang nagmumuni-muni tungkol kay Joaquin. Siya nga ba talaga ang kanilang hinihintay? Kaya nga kaya niyang balikan si Isabel mula sa nakaraan? Naguguluhan siya.

Subalit kung ganoon nga, hindi pa niya kailangang iligpit si Joaquin. Kailangang masiguro muna niya na walang makakarating sa dako pa roon upang iligtas si Isabel. Importanteng protektahan ang silid mula sa Liga. Hindi nila kailanman mapapasuko silang nag-alay ng buhay para sa misyong ito.

"Paano nga kaya gamitin ito? Lalo na kung si Joaquin ang gagamit?" tanong niya sa sarili.

Tama! Walang sino man ang makakapigil sa kanila. Kahit si Joaquin. Hindi niya kailanman matatagpuan ang gintong rebolber na ito. 

May biglang kumatok sa pintuan ng kanyang silid. Nagulat si Beatrice at mabilis na itinago ang gintong rebolber. Baka may makakitang iba. Kinabahan siya bigla.

"Sino 'yan?" tanong niya.

"Beatrice, may bisita ka. Hinahanap ka ni Kenneth."

x-------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Chowking.

Comments

Popular Posts