Mga Kwento

Ang mundo ay punong-puno ng mga kwento, at lahat ng bagay ay nasasaad sa mga panitikan. Ang mga literatura ay nagsimula sa pagtatala ng mga kasaysayan nang unang naisip ng tao na balikan ang nakaraan. Noon, itinatala lamang ang buhay at ang mga kwento ng tagumpay, habang pilit namang ikinukubli ang mga kabiguan.

Subalit ang mga panitikan ay hindi nakuntento nang basta lamang sa kasaysayan. Ang mga manunulat ay umibig din nang maraming beses sa kanilang taglay na imahinasyon, kung kaya't naglakbay rin ang kanilang isip sa abot nang natatanaw nito.


Wala namang kwento kung walang mga pagsubok, kung kaya nga puno ang panitikan ng mga bida na nadadamitan ng kabayanihan. Gayon din naman ang mga kontrabida, na nagpapaganda at nagbibigay ng kulay sa kwento.

Habang umuunlad ang panitikan, ganoon din naman ang pagyabong ng mga sining. Unti-unti, nabigyan ng dimensiyon ang pagkukwento upang maging behikulo ng pagkakaunawa at pagkakaalam sa lalim ng buhay. Hindi ba't ang mga aral ay nagmumula sa lahat ng uri ng sining, sapagkat ang sining ang tulay ng pakikipagtalastasan na tumatalakay sa lahat ng aspeto ng pagiging tao.

Tunay na buhay nga ang ating imahinasyon.

x-------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Goldilocks.

Comments

Popular Posts