Kasakiman

 Higit na mas sakim siya kaysa sa kaniyang asawa, at ang kanyang determinasyon upang makamit ang lahat ng kanyang naisin ay sadyang nakakabilib. Kung kaya nga sumikat siya bilang kontrabida ng mga kwento, at naging tunay na kaanib ng Liga ng mga Kontrabida.

Bukod sa kanyang taglay na kisig at kagwapuhan ay tunay na kapansin-pansin din ang kanyang pagkahilig sa mga antigo at lumang bagay. Dahilan nga sa nakahiligan niyang ito, natuklasan niya ang iba't-ibang uri ng masasamang espiritu at kung paano sila nakakasanib sa mga bagay. Ginamit niya ang kaalamang ito upang tuklasin naman kung paano ito magagamit sa mga tao.

Huli na noong natuklasan ng Kalipunan ng mga Kwento ang bagay na ito, kung kaya't siya ay tumakas sa isang portal na ginawa niya gamit ang kanyang kapangyarihan mula sa mga masasamang espiritu. Nagkaroon ng habulan at ang girian ay hindi naiwasan hanggang sa nakagawa siya ng hindi inaasahang bagay.

Nakapatay siya ng mga Aswang Pulis. Isa. Dalawa. Hanggang naging maramihan na.

Isa itong karumal-dumal na krimen kung kaya't wala na siyang nagawa kung hindi isara ang portal at gawin itong isang silid. Naging mahiwaga ang silid na ito, at pinalilibutan ngayon ito ng maraming misteryo.

Narito ang mga sikretong iniingatan niya, at ito nga ngayon ang pilit tinutuklas ng Liga ng mga Kontrabida. Nawa'y matagpuan nila ang kaalamang ito bago pa mapunta ito sa mga maling kamay.

x-------x

Ang larawan ay mula sa Pixabay.

Comments

Popular Posts