Rebolber

 Nagmamadaling umuwi si Beatrice upang may kunin na importanteng bagay sa kanyang silid. Tuwang-tuwa siya sa mga nangyayari, lalo na para sa mga Spirit Questors at sa kanilang misyon. Mga bata pa lamang sila, oo, subalit abot-kamay na nila ang pagpasok sa kabilang mundo.

Sadyang napakabilis ng panahon, at ngayon handa na ang lahat. Napakaraming kaisipan ang umiikot sa kanyang utak habang papauwi. Kailangan ihanda na niya ang lahat. Nalalapit na ang paghuhukom.

Nakarating na rin siya sa wakas sa kanilang bahay. Kumatok siya at nagmamadali siyang pinagbuksan ng kanilang kasabay. Dali-dali siyang pumasok putungo sa ikalawang palapag. Pumasok siya sa kanyang kwarto.

Marahan niyang isinara ang pinto, at huminga nang malalim. Kinakabahan siya sa bilis ng mga pangyayari, subalit kailangan niyang tatagan ang kanyang loob. Handa na nga kaya siya? Sadyang wala na ngang pag-aalinlangan. Ngayon na.

Lahat ng itinago ni Isabel mula pa noong una ay maglalahong parang bula. Mabubuksan ang silid na iyon, at si Joaquin ang magiging susi ng lahat. Maipaghihiganti na rin nila ang lahat nang nasawi sa digmaang iyon. Humanda sila.

Napangiti siya. Handa na nga ang lahat. 

Marahan niyang tinungo ang antigo niyang mesa sa gilid ng kanyang kama upang kunin ang isang bagay na iniingatan niya, ang rason ng lahat ng ito. Binuksan niya ang drawer upang kunin iyon.

Naroon pa rin ang kanyang gintong rebolber.

x------x

Ang maikling kwento ay hatid ng Vitasoy.

Comments

Popular Posts