Liga

 "Ano'ng gintong rebolber? Hindi ko pa rin maunawaan. Bakit ako may pag-aaring baril na hindi ko alam?"

"Joaquin, makinig kang mabuti," tugon ng Aswang Pulis. Sinusubukan niyang ilagom ang lahat ng paliwanag. "Hindi ka tagarito sa mundong ito. Ikaw ay dinukot noong ikaw ay bata pa. Ang mga masasamang espiritu na gumagambala sa lugar na ito ay narito dulot ng iyong pagkawala. Nakakagala sila dahil hindi ka nakabantay. Ang sapantaha namin ay binura nila ang iyong memorya upang makabalik sila sa lugar na ito, kung saan nakakalabas at nakakapasok ang mga espiritu."

"Subalit bakit?" tanong ni Joaquin.

"May hinahanap na portal ang mga espiritu sa isang bahay na naririto. Marami na silang ginambalang buhay upang hanapin ang lagusang kailangan nilang marating upang mabuhay sila sa ibang mundo puno ng katanyagan. Nais nila ng kapangyarihang saklawin ang lahat ng mga nilalang, sa mundong ito at sa iba pa, at nagsimula na silang magtagumpay. Unti-unti, natutuklasan na nila ang lihim ng silid."

"Silid?"

"Wala nang oras upang ipaliwanag ang lahat sa iyo sa panahong ito, ngunit maiintindihan mo rin pagdating ng panahon. Ang una nating dapat gawin ay hanapin ang iyong gintong rebolber. Ito ang magiging hudyat ng iyong pagbabalik."

"Pagbabalik?" nalilito pa rin si Joaquin.

"Ang iyong pagbabalik sa Liga ng mga Kontrabida."

x-------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng All Day Supermarket.

Comments

Popular Posts