Kasaysayan

 Maraming bagay sa mundo ang hindi maunawaan dahil sa taglay nitong hiwaga, at may ilan naman na hindi maintindihan sapagkat hindi nais unawain. Pilit iwinawaksi ang misteryong dala ng mga naitala sa kasaysayan, at mas ninanais pang paniwalaan ang mga bagay na nakasanayan na.

Ang hindi paniniwalang ito ang nagdudulot ng kapahamakan sa marami. Kawalan ng tiwala ang sumisira sa lahat ng pananalig, at kung minsan, natututunan ito sa mahirap na paraan.

Kaya nga ang pagtatala sa kasaysayan ay lubhang kapuri-puri. Saksi ang mga puno at mga antigong bagay sa mga naganap na, at sa magaganap pa. Mga piping saksi ang nananatiling naroon upang patotohanan ang lahat.

Ang kasaysayan ngang ito ang naging ugat ng lahat. Mabuti man o masama, ang lahat ng nangyari ay nangyari na, at wala na tayong magagawa pa. Mga tunggalian, mga girian at giyera, tanging nakaraan lamang ang tumpak ang kaalaman.

Tumingin sa kanya ang Aswang Pulis ng matalim habang nagpapaliwanag. Pagkatapos ay nagtanong:

"Nasaan ang iyong gintong rebolber?"

x------x

Ang larawan ay mula sa Pixabay.

Comments

Popular Posts