Digma

 Nalaman na ni Joaquin ang lahat ng tungkol sa mga Spirit Questors, ayon na rin sa Aswang Pulis na kanyang kausap. Sila raw ang naatasan na subuking pasukin ang kabilang mundo, at ang lahat ng mga kasapi nito ay may kani-kaniyang pakay upang gawin ito.

Ayon pa sa Aswang Pulis, ang kabilang mundo ay may dalawang paksiyon na naggigirian sa kasalukuyan. Ito raw ang dahilan kung bakit magulo ang mundong nais nilang protektahan sa mga masasamang espiritu. At kung bakit may naliligalig din sa mundong ating ginagalawan.

"Hindi ang mga Aswang ang dapat katakutan, kung hindi ang mga espiritung gumagala upang maghasik ng lagim," sabi ng Aswang Pulis. "Ang mga nilikha sa pamamagitan ng imahinasyon ay may inam na dala, sapagkat ang akto ng paglikha ay sadyang mabuti. Ang pagnanasang manira ng mga nilikha ang siyang tunay na kalaban. Ang Aswang ay masama sa paningin ng marami sapagkat ito ay sinisira ng masamang espiritu na gunagala sa inyong mundo."

Tumango na lamang si Joaquin, subalit hindi pa rin siya makapaniwala. Totoo pala ang mga Aswang. Totoo pala ang lahat.

"Hindi marapat na tawagin ang mga ligaw na espiritu, sapagkat maaari silang samahan ng mga nasasama. Mag-ingat ka sa kanila. May mas malalim na pakay ang mga Spirit Questors, at hindi nila ito sasabihin sa iyo. Mag-ingat kang mabuti."

Wala nang nasabi pa si Joaquin upang tumugon sa mga babalang. Kailangan nga niyang mag-ingat.

"Upang malaman mo na totoo ang mga sinasabi ko sa iyo, bibigyan kita ng nga signos sa mga susunod na araw."

x-----x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Lazada.

Comments

Popular Posts