Tinig

 Naririnig na naman ni Joaquin ang mga tinig. Patuloy itong nangungulit, ginagambala ang kanyang katahimikan. Malamig ang tunog ng boses, marahan subalit nakakatakot. Tila may hinahanap ito sa kanyang pagkatao.

"Sino 'yan?" tanong ni Joaquin.

Tila sumagot nang diretso ang misteryosong tinig sa kanyang tanong.

"Nasaan si Isabel?" tugon ng tinig.

Napaisip si Joaquin. Sino si Isabel? Bakit hinahanap ng tinig si Isabel sa kanya? Baka naman...?

"Lola? Ikaw ba 'yan?"

Humalakhak ang tinig sa kanyang pagtatanong. Sa wari ni Joaquin, tila inuuyam siya ng boses na iyon.

"Huwag mong hanapin sa akin ang taong patay na. Si Isabel ang problemahin mo. Nasaan siya?"

Biglang kinabahan si Joaquin sa mga nangyayari. Hindi kaya?

"Isauli ninyo sa akin ang antigong gamit bago pa mahuli ang lahat. Binibigyan kita ng taning. Dalhin mo sa lugar na ito ang antigo isang linggo mula ngayon."

Umaalingaw-ngaw ang tinig.

"Kung hindi ay aarestuhin ka ng mga Aswang Pulis."

x-------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Jack 'n Jill Piattos.

Comments

Popular Posts