Pulong

 Dali-dali ngang nagpatawag ng pulong si Beatrice upang pag-usapan ang kalagayan ni Joaquin, ngayong alam na nila na siya ang magiging susi ng kanilang paghahanap sa mundo ng mga multo. Nais kasing makita ni Beatrice ang kanyang mga magulang na namatay sa isang plane crash noong bata pa lamang siya. Ito ang dahilan kung bakit itinatag niya ang Spirit Questors.

Si Raphael naman ay sumali sa mga Spirit Questors upang makausap ang kanyang lola sa huling pagkakataon, upang ipadama ang kanyang pagmamahal na hindi niya nagawa noong buhay pa ito.

Habang si Cristina naman ay nagnanais na ibukas ang kanyang third eye, at alam niyang matutulungan siya ng mga Spirit Questors.

Si Daniel ang pinakamatindi ang rason kung bakit sumali siya bilang isang Spirit Questor. Pinatay kasi ng isang Aswang ang kanyang kasintahan noong nasa probinsiya sila, at nais niya itong ipaghiganti.

Alam ni Beatrice na dumating na ang pagkakataon upang matulungan si Daniel sa nararamdaman niyang sakit, kahit makaharap lamang niya ang mga Aswang.

Ngayon, magagawa na nila ito sa pamamagitan ni Joaquin. Mapapasok na nila ang kabilang mundo. Ito nga ang sinasaad ng mga Tarot Cards.

x-------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Greenwich Pizza.

Comments

Popular Posts