Patotoo

 Hindi pa rin makapaniwala si Joaquin sa kanyang narinig at nakita. Isang Aswang Pulis ang nagpakita sa kanya upang siya ay balaan sa isang karumal-dumal na plano upang siya ay patayin. Habang nasa piling siya ng mga Spirit Questors ay mas lalong nanganganib ang kanyang buhay. Ayon pa sa Aswang Pulis, hindi na magtatagal mula ngayon ay maaari na siyang ipaligpit ng mga Spirit Questors.

"Ngunit, bakit? Bakit kita pagkakatiwalaan?"

Tumango sa kanya ang Aswang Pulis. Alam niyang mahirap paniwalaan ito. Kaya't inihanda na niya ang mga paliwanag at mga patotoo.

"Isang digmaan ang nagaganap sa kabilang mundo habang tayo ay nag-uusap. Ang mga Aswang at ang mga Espiritu ang nagbabakbakan upang pamunuan ang mundo ng Harayuhan, isang mundong puno ng hiwaga at pag-ibig. Gibagamit nila si Beatrice at ang mga Spirit Questors upang makapasok sa mundong ito, gamit ka."

Pinag-isipan ni Joaquin ang sinabi sa kanya ng Aswang Pulis.

"May patotoo ka ba?" tugon niya.

"Halika," sagot ng Aswang Pulis. "Sumama ka sa akin."

x-------x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts