Bulaklak

 Mula nang malaman niyang hindi niya naisasara ang third eye niya, mas lalong nag-iingat na ngayon si Joaquin. Bukod kasi sa delikado ito, maaari rin siyang mabilanggo sa kanilang mundo. Kaya't panay na ang kanyang iwas sa mga bagay na makapagpapakita sa kanya ng mga ligaw na multo.

Ngunit habang ginagawa niya ito, mas lalo naman siyang nilalapitan ng mga mapagbirong pagkakataon. Minsan kasi, bigla na lamang siyang nakakaamoy ng halimuyak ng mga bulaklak. Matapang ang amoy at parang nanggagaling sa mga bulaklak ng burol ng patay. Habang naaamoy niya ito ay mas natatakot siya. Naisara nga niya ang kanyang mata, ngunit gumagana pa rin ang kanyang pang-amoy.

Lumalala na ang sitwasyon. Parang ano mang oras, mangyayari na ang kanilang kinakatakutan.

Papasok na siya sa mundo ng mga multo.

Tumayo siya sa kanyang kina-uupuan, upang takasan ang amoy ng mga bulaklak kahit panadalian lamang. Tuwing lumalayo siya ay napapanatag ang kanyang kalooban, subalit kapag humihinto siya ay lumalakas na naman ang amoy at humahantong siya sa pagkaligalig.

Parang hindi na nila siya titigilan. Sinasadya na nila ang mga pagkakataon.

Ano ang kailangan ng mga multo?

x------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng The SM Store.

Comments

Popular Posts