Tanod

 Madalas makita ni Joaquin ang mga kapwa niya Spirit Questors sa pagtatanod ng mga espiritung ligaw, at madalas nakakaramdam siya ng takot. Tila may pinanggagalingan ang kanyang mga pangamba. Pakiramdam niya kasi, tila buhay sa kanyang pagkatao tuwing araw ng pagtatanod. Parang naramdaman na niya ang mga ito simula pa noong una.

Kaya nga lagi lamang siyang tahimik tuwing siya ay nakatoka sa pagtatanod. Hindi niya kasi maiwasang mag-isip ng malalim tuwing may mga naririnig siyang kaluskos sa mga hungkag na silid. Nakakatakot.

Minsan, may narinig siyang tumilaok na tandang mula sa isang silid sa araw ng pagtatanod. Subalit wala namang tandang doon. Ilang ulit din nilang pinagtiyagaang hanapin ang pinanggagalingan ng mga tilaok, subalit wala naman silang napala.

Basta kay Joaquin, lahat ay nangyayari nang sabay-sabay. Napipili lamang ng ating kamalayan ang nakikita ng ating mga mata. Ang tanging kailangan lamang ay buksan ang ating pakiramdam sa mga bagay na hindi natin nakikita upang sila ay ating maramdam.

Alam niyang handa na siya sa mga bagay na paparating pa.

x------x

Ang maikling-kwento ay inihatid ng Uniqlo.

Comments

Popular Posts