Lola Trining

 Lumaki si Joaquin sa piling ni Lola Trining sapagkat ang kanyang mga magulang ay mga OFW sa Middle East, kung kaya't nasanay na siya na sumunod sa mga pamahiin ng matatanda. Naalala pa niya noong sinabi ni Lola Trining na sukob ang kasal ni Raquel.

Ito ang unang pamahiin na nakita ni Joaquin na nagkatotoo, at ito ang una niyang karanasan sa pagtatanod. Nakatatakot ang mga sumunod na pangyayari, at pilit niyang kinakalimutan na lamang ang mga naganap sa silid na iyon.

Sukob. Sadya ngang babala ng mga matatanda.

Naalala pa ni Joaquin ang mga bata sa parke noong isang araw. Ang isa sa kanila ay nagtitinda ng kakanin. Naawa siya sa kalagayan ng mga musmos, kaya binili na niya ang mga tinda nilang puto.

"Salamat po. Mag-iingat po kayo. Nasa paligid lamang sila."

May biglang tumawag sa pangalan niya kaya napalingon siya sa likod. At nang makitang wala naman ang tumatawag sa kanya, lumingon siya muli sa mga bata.

Bigla na lamang sila nawala.

x------x

Ang larawan ay mula sa Pixabay.

Comments

Popular Posts