Katedral

 Napadaan si Joaquin sa Katedral ng Cabanatuan upang magdasal. Dala pa niya ang rosaryong regalo ng kanyang ina sa bitbit niyang bag. Death anniversary kasi ng kanyang mga magulang kung kaya't naisipan niyang magdasal.

Pagpasok niya sa Katedral ay bumungad sa kanya ang magandang altar ng simbahan. Agad siyang nakaramdam ng kapayapaan pagpasok doon. Tanaw niya ang imahen ni San Nicolas de Tolentino at ang nakapakong Hesus mula sa bungad ng simbahan. Madali siyang nag-antanda at naupo sa gitna ng mga bangkuan.

Hinanap niya kaagad ang kanyang rosaryo upang magdasal nang mataimtim. Subalit habang hinahanap niya ito ay may narinig siyang tinig ng isang babaeng paslit. Marahan ang tinig at humihingi ng tulong.

Agad niyang hinanap ang pinanggagalingan ng tinig at nagulat siya nang makita ang dalawang bata na umiiyak malapit sa altar. Gulat na gulat siya. Tinitigan niyang mabuti ang bata at kinuskos ang kanyang mga mata. Maaaring namamalik-mata lamang siya.

Lumipas ang isang minuto subalit naroon pa rin ang bata. Ngayon ay sumisigaw na ito, "Tulong! Tulong!"

Luminga-linga siya sa loob ng simbahan upang pagmasdan ang ibang parokyano na nagdadasal. Alam niyang hindi nila nakikita at naririnig ang bata. Nakaramdam siya ng panlalamig ng kamay.

Ano kaya ang pakay ng batang ito sa kanya?

x-------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Foodpanda.

Comments

Popular Posts