Babae

 Sino kaya ang babaeng ito? Bakit suot-suot niya ang kwintas ng lola? Ilang ulit ko na siyang nakikita, kahit saan ako magpunta. Ang nakakatakot pa, matatalim ang tingin niya sa akin. Mga tingin na nang-uusig, nanghuhusga.

Pilit nililimot ni Joaquin ang mga katanungan sa kanyang isipan. Madalas kasi, napapanaginipan niya ang mga tao sa paligid niya. May nais pumatay sa kanya sa kanyang panaginip. At tuwing mangyayari iyon, parang buhay na buhay ang lahat. Pakiramdam niya, totoong nangyayari ang mga panaginip at hindi siya natutulog.

Ang sabi ng mga Spirit Questor, normal lamang daw iyon, sapagkat nakikipag-usap sila sa mga kaluluwang naliligaw. Alam daw nila kung paano pasukin ang kanilang third eye, kaya dapat raw niyang matutunan na isara ito.

Mahigit dalawang linggo na niyang pilit isinasara ang ikatlo niyang mata, subalit lalong umiigting ang kanyang mga panaginip. Mapilit ito at pilit pinapasok ang kaibuturan ng kanyang kaluluwa. Parang desperado ang babaeng ito sa kanyang tulong.

Hindi na niya maunawaan ang lahat. Alam niyang may nais sabihin ang babae sa kanya, ngunit ano? Hindi niya maintindihan ang lahat. Ayaw naman na niyang gambalain pa siya ng mga nakakaligalig na mga panaginip. Subalit nais niyang maintindihan ang kanilang mensahe.

Paano nga ba siya matatahimik?

x------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng KFC.

Comments

Popular Posts