Takas

 "Madali ka! Ito na ang tamang panahon. Tumakas ka na habang may oras pa. Hindi magtatagal, papatayin ka rin niya upang buhayan ka muli sa ibang katawan. Pagkatapos, makakalimutan mo na ang lahat. Tumakbo ka na!"

Hindi ko alam ang isasagot ko, pero alam kong dapat sumama si Manang Helen sa akin. Hindi ko siya kayang iwanan.

"Sumama ka na rin sa akin Manang Helen! Sabay na tayong tumakas sa silid na ito. Papatayin ka rin niya!"

Tumingin ng mata sa mata si Manang Helen sa akin. Alam ko na ang sasabihin niya. Nilukuban ako bigla ng takot.

"Subalit sino ang haharang sa kanya? Maaabutan niya rin tayong dalawa kapag hindi ako nagpaiwan. Mas mabuti nang makaligtas ka kesa pareho tayong patayin ng halimaw na 'yan!"

"Hindi kita maiiwan dito, Manang Helen. May oras pa. Umalis na tayo sa impiyernong bahay na ito!"

Tumulo na ang mga luha ni Manang Helen. Gustuhin man niya, pero wala na siyang magawa pa. Balot na ng kadiliman ang buong bahay. Unti-unti na nilang natutuklasan ang mga kababalaghan sa bahay na iyon. 

Sa labas ng bahay, tila galit na galit ang alon ng dagat. Mahangin at tila uulan.

"Paano ang mga bata? Hindi ko rin sila kayang iwanan. Ako ang nagsimula nito, ako rin ang tatapos. Sige na, umalis ka na! Malapit na siyang dumating. Magmadali ka na."

"Pero Manang Helen..."

"Nakikiusap ako."

x------x

Ang larawan ay mula sa Pixabay.

Comments

Popular Posts