Si Joaquin

 Matagal-tagal na rin simula nang sumali si Joaquin sa grupo ng mga spirit questors sa kanilang pamantasan. Nagsimula ang kanyang interes sa grupo noong minsang sumama siya sa kanila, at kumausap ng mga naliligaw na mga kaluluwa.

Bagaman noong una niyang karanasan ay may masidhing takot siyang nadama, ngayon ay medyo komportable na siya lalo na tuwing humahanap sila ng mga kaluluwang naglisaw, naghahanap ng makakausap, o nanghihingi ng katarungan.

Ngayon nga ay isang kaso ng white lady ang inilapit sa kanilang grupo. Matagal na rin naman nilang naririnig ang mga kwento at alamat tungkol sa white lady sa bahay na iyon, subalit ngayon lang nila tatangkain na kausapin ang mga elementong nagpaparamdam sa lugar.

Nakadama na naman siya ng takot habang pinakikinggan ang mga insidente ng nasapian sa lumang bahay. Naalala na naman niya ang una niyang karanasan na pilit niyang iwinawaksi sa kanyang isipan. Pilit niya itong inaalis sa kanyang kamalayan.

Saan madalas magpakita ang white lady? Ano ang kayang pakay? Humihingi ba siya ng tulong? Unti-unti nang inuusisa ng kanyang mga ka-grupo ang mga insidente.

Sa Lunes, aalamin na nila ang tunay na pangyayari sa lugar. Pilit nilang kakausapin ang white lady. Marahil, maaalala na naman niya ang sarili niyang karanasan noong simula't-simula pa, subalit wala nang panahon upang umatras sa ngayon. Haharapin niya ito nang mata sa mata.

Pilit na lamang niyang kakalimutan ang lahat ng takot.

x-----x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Citibank.

Comments

Popular Posts