Regalo

 "Sana nagustuhan mo ang regalo ko sa'yo. Hindi ko man maibigay sa iyo ang lahat, ibibigay ko naman ang lahat ng dapat ay sa iyo. Basta huwag ka lang kakalas."

Naka-tingin ako sa maamong mukha ni Ramir habang nagsasalita siya. Alam ko namang kaya naming ingatan ang aming relasyon, bagaman minsan ay hindi namin nauunawaan ang bawa't isa.

"Ramir, tungkol nga pala sa bahay na iyon," nanginginig ang aking tinig habang pinipilit kong itanong sa kanya ang hiwagang naroon. "May nararamdaman kasi akong kakaiba sa bahay. Nakakatakot. Hindi ko na kaya."

"Alam mo namang importante sa akin ang bahay na 'yun. Para sa alaala ng nanay. Napag-usapan na natin ito hindi ba?"

"Naguguluhan na kasi ako. Ayoko na. Hindi nila ako pinatatahimik sa mga panaginip ko. Hindi ko na alam ang pagkakaiba ng imahinasyon sa totoo. Nangyayari ang lahat sa isang kisap mata," pagsusumamo ko.

"Tinutulungan ka naman ni Manang Helen di ba? Tanggapin mo na ang regalong ito, at pasasamahan kita muli kay Manang Helen."

x------x 

Ang maikling kwento ay inihatid ng Ayala Malls.

Comments

Popular Posts