Agam-agam

 Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko noong mga oras na iyon. Napuno ako ng takot. Pighati. Agam-agam. Hindi ko maigalaw ang aking mga paa upang lumisan; tumakbo na lang hanggang sa makatakas sa mahiwagang bahay na iyon. Akala ko, ang bahay lamang namin sa Nueva Ecija ang may kababalaghan. Ngunit hindi pala.

Habang naroon ako ay unti-unting lumalala ang takot ko. Hindi ko maipaliwanag pero sadyang nanghihina ang aking pakiramdam at hindi ako makakilos nang maayos. Ewan ko ba. Naroon naman si Ramir. Hindi ako dapat matakot.

Pero sabi nga nila, nakakatakot din naman ang pakiramdam ng umiibig. Ang tunay na pag-ibig ay matiyaga at handang magsakripisyo para sa kanyang iniirog.

Totoo naman 'yun sa tingin ko. Kaya nga naririto si Ramir sa tabi ko, handang ipagtanggol ang sarili ko sa mga bagay na gumugulo sa aking utak. Sadya ngang matiyaga at matiisin ang pag-ibig. Kaya hindi ako dapat mangamba. Nandito siya.

Oo. Siya iyon. Siyang-siya. Alam kong sa lahat ng aking pangamba, naroon si Ramir. Sinasamahan niya ako sa gitna ng lahat.

Si Ramir ang dahilan kung bakit ayokong sumuko.

x------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Jollibee Chickenjoy.

Comments

Popular Posts