Signos

 Mabilis na pumarito si Manang Helen sapagkat siya lamang ang naisip kong taong dapat makaalam ng nangyari sa aking silid. Walong tandang ang nakita kong nakahandusay sa silid, at ang kanilang mga dugo ay nagkalat hanggang sa mga ding-ding.

"Manang Helen, sino kaya ang may gawa nito? Sila rin kaya?" Mahina ang aking boses.

Luminga-linga si Manang Helen sa loob ng silid, wari bang may hinahanap doon. Ilang saglit pa ay napatingin siya sa akin. Matalim ang kanyang titig na lalong nagdulot ng takot sa aking balat.

"Nagagalit siya sa iyo," tugon ni Manang Helen matapos ang ilang saglit. "Kailangan mo siyang sundin."

"Sundin siya? Bakit?"

"Hindi ko rin alam. Pero ang alam ko mga signos ito ng..." Napigilan si Manang Helen. Tila hindi niya kayang ipagpatuloy pa ang pagsasaad ng kanyang mga nalalaman.

"Signos ng ano?" 

Napatanong na lamang ako.

x-----x

Ang larawan ay mula sa Pixabay.

Comments

Popular Posts