Hawla

 Paano nga ba ang mabilanggo? Paano nga kaya ang pakiramdam ng maisilid sa isang hawla na ang tawag ay pag-ibig? Ano nga kaya ang magiging karanasan ng isang taong nagmamahal subalit nasasaktan sapagkat nakatanikala ang kanyang paa at bisig sa ding-ding ng pag-asa at muhi?

Marahil ganoon nga talaga ang sitwasyon ng mga taong nagmamahal, lalo na't nakatali ka na sa isang relasyon. May mga bagay na talagang dapat kalimutan, at sa halip ay kailangang ituon ang iyong sarili sa kalinga at pagmamahal ng iyong kabiyak. Hindi ka na malayang gawin na lamang ang iyong naisin. May mga limitasyon na.

Minsan nga kahit nasasaktan ka na, tinitiis mo pa rin ang mabilanggo sa hawlang ito. Nakatali pa rin ang iyong mga bisig sa relasyong nais mo pa ring magpatuloy, sa pag-asang magbabago pa rin ang iyong kabiyak.

Pero sa totoo lang, minsan wala na talagang pag-asa ang isang bagay subalit pilit pa rin nating itinutuloy ito kahit nasasaktan na tayo. Naniniwala pa rin tayo sa kapangyarihan ng pag-ibig, nag-iilusyon na isang araw, gigising tayong tapos na ang bangungot at maayos na ang lahat. Sana ganoon nga lang kadali ang buhay, lalo na ang umibig ng tapat at totoo.

Sana hindi na natatapos ang pag-ibig.

x------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Goldilocks.

Comments

Popular Posts