Hapis

 Nakatanggap kami ng masamang balita noong umaga kahapon. Namatay na raw ang aking pinsan sa Maynila, subalit palaisapan pa rin ang sanhi ng kanyang kamatayan. Marami ang nagsasabing namatay siya sa kamay ng mga multo.

Noong mga nakaraang araw kasi bago ang kanyang biglaang pagkamatay, may naikukwento na raw na mga kababalaghan ang aking pinsan. Mga kwentong mahirap ipaliwanag, at mga bagay na mahiwaga. Walang naniwala sa kanyang mga babala hinggil sa isang taong nagbibilanggo ng mga kababaihan sa isang silid upang gawing alipin.

Walang nakakaunawa sa nais niyang ipahiwatig, at marami ang nagsasabing nasisiraan lamang siya ng ulo. Nababaliw na raw ang aking pinsan.

Kaya dinala nila ito sa ospital, kasama ng ibang mga baliw. Subalit lalo raw siyang lumala noong hasa ospital. Maghapon daw siyang sumisigaw na pakinggan ang kanyang mga babala.

"Narito na ang mga signos! Pakawalan ninyo siya sa silid na 'yan! Hindi ako baliw! Pakawalan ninyo siya!"

Subalit walang naniwala sa kanya, hanggang sa siya ay itali ba at busalan ang kanyang bibig sa sobra niyang ingay. Pagkatapos nito ay isang trahedya na ang naganap.

Namatay na ang aking pinsan.

x------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng SkyFlakes.

Comments

Popular Posts