Awit

 "Rodrigo, anong pamagat ng kanta?" tanong ko. Nag-gigitara kasi siya at umaawit habang hinihintay namin si Ramir na matapos sa transaksyon niya sa banko.

"Aling kanta?" tanong niyang pabalik sa akin.

"'Yung tungkol sa huwad na pag-ibig."

"Ah, 'yon ba? Ang pamagat n'on ay Huwad na Pag-ibig. Nagustuhan mo ba? Paborito rin kasi ng lola ko ang kantang 'yon."

"Totoo ba? Kumusta naman ang lola mo?"

Nangiti si Rodrigo. "Limang taon na siyang namatay. Basta ang alam ko kinakanta pa rin ng lola ang mga paborito niyang mga awitin."

"Kaya ba sinasabayan mo siya sa pag-awit?"

Tumango siya, "Oo naman."

"Nakaka-miss din sila ano? Minsan gusto mo silang yakapin pero hindi mo magawa. Kaya niyayapos na lang natin sila sa ating mga puso at gunita."

"Ayan na pala si Ramir," sabi ni Rodrigo. "Gusto ko na ring umuwi. Nakakapagod ang biyahe."

Kagagaling nga lang pala namin sa Baguio at pauwi na. Habang nagpapatuloy sa pagmamaneho si Ramir, hindi maalis sa aking isipan ang inawit ni Ramir.

Ano ang ibig sabihin ng kntang iyon?

x-----x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Greenwich Pizza.

Comments

Popular Posts