Buhangin

 "Ate, naaalala mo pa ba ako?"
"Pasensiya ka na. Nakalimutan ko na. Hindi ko na matandaan."

Biglang nalungkot ang bata nang sinabi ko ang totoo. Ayoko naman kasing magsinungaling. Bagaman hindi ko na siya maalala, parang may koneksiyon kaming dalawa na importante. Parang sinadya kaming magkita ng pagkakataon.

"Hindi ba tinulungan mo pa akong gumawa ng kastilyong buhangin? Kasama mo pa nga si Kuya Rafael. Imposibleng nakalimutan mo na 'yon, ate."


"Rafael? Sino naman si Rafael?"

Napangiti ang bata. "Yung lalaki na lagi mong kasama. Nagtataka nga ako bakit hindi mo siya kasama ngayon, e."

Natawa ako. "Ramir ang pangalan niya."

Umiling-iling ang bata. "Hindi. Si Rafael 'yon, ate. Nakasisiguro ako. Matagal ko na siyang kilala. Natatandaan ko pa siya nung araw, may kasama rin siyang nobya. Maligayang-maligaya sila. Hanggang isang araw, bigla na lang nawala ang kanyang nobya. Pero buti na lang nandiyan ka na. Hindi na siya malulungkot."

Ngumiti na lamang ako. Iba talagang mangulit ang mga bata. "Ah, talaga?"

"Totoo, ate. Totoo."

x-----x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Lucky Me!

Comments

Popular Posts