Mana

 Matapos ang biglaang pagkamatay ng aking mga magulang sa pagbagsak ng eroplanong sinasakyan nila, nakuha ko na rin ang aking mana. Hindi naman gaanong kalakihan ang kayamanan ng aming pamilya, subalit karamihan sa mga ito ay nilalaman ang antigong koleksiyon ng tatay.

Nais ko sanang ibenta na ang mga antigong ito at gawin nang pera. Hindi naman kasi ako mahilig mangulekta ng mga lumang bagay. Ayoko na rin namang maalala pa ang tatay tuwing makikita ko ang kanyang koleksyon. Nalulungkot pa rin ako sa biglaan nilang pagkawala.

Ang sabi ni Ramir huwag ko na raw ibenta ang mga antigo. Tataas pa raw ang turing sa mga ito kapag tumagal pa ang panahon. At saka narito raw ang ala-ala ng tatay. Huwag ko raw limutin ang aking mga magulang dahilan sa nalulungkot ako sa mga nangyari.


Siguro tama nga si Ramir. Bakit ako magpapabilanggo sa aking nakaraan? Dapat siguro ay kumawala ako sa piitan kung saan pilit kong inilagay ang aking sarili.

"Basta hawak ko ang kamay mo, hindi tayo maghihiwalay. Aalagaan kita, katulad ng pag-aalaga sa iyo ng iyong tatay. Sayang nga lang at hindi ko siya inabutang buhay," sabi ni Ramir.

Alam ko na sa paghawak ni Ramir sa aking kamay, walang makakawala. Hindi niya ko pababayaan. Lagi kong naiisip na walang makalalapit sa akin, walang sinuman sa kanila. Sana ganito na lamang palagi. Payapa lang ang lahat.

x------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Bench/.

Comments

Popular Posts