Makamit

 Naalala ko bigla ang yaya simula nang nakakwentuhan ko ang batang iyon. Tila napakarami niyang alam tungkol kay Ramir at sa akin; nakatutuwa rin siyang pagmasdan habang naglalaro sa buhangin. Tunay ngang masarap balikan ang panahon ng ating pagkabata.

Nagkwento rin ang bata tungkol sa dating may ari ng bahay namin na malapit sa dagat. Sina misis Perez daw ay madalas masangkot sa mga kaguluhan sa lugar, dahilan sa anak nilang si Rodel. Sabi pa niya, simula nang makapatay ng babae ang kanilang anak, nagbago na ang dating masayahin at magiliw na si misis Perez.

Minsan, nakakwentuhan daw niya si misis Perez tungkol sa bahay na iyon. May mga bagay raw na hindi niya makalimutan. May mga multo sa bahay, at naniniwala siyang sila ang dahilan kung bakit nakapatay ng tao si Rodel.

Kaya simula nang nakulong si Rodel ay nangibang bansa nila. Iniwan nila si Rodel dahilan sa matinding sama ng loob. Maraming pangarap si misis Perez para kay Rodel na nais niyang matupad, subalit hindi na niya ito makakamit kailan pa man.

Alam niya kung ano ang problema.

Kailangan nilang lisanin na ang bahay na iyon. 

x------x

Ang larawan ay mula sa Pixabay.

Comments

Popular Posts