Habol

 Nakikita ko ang sarili ko na may hinahabol. Sa panaganip ko, mabilis ang aking takbo. Medyo hinihingal na ako subalit hindi ako tumitigil, mahabol lamang ang lalaki sa harap. Malayo na siya at naiiwanan na ako. Naririnig ko ang sarili kong sumisigaw.

"Tigil! Sandali! May itatanong lamang ako!"

Subalit hindi na siya tumigil. Nagsimula nang tumulo ang luha sa aking mga mata. Malayo na siya. Hindi ko na siya matatanong.

Nang alam kong hindi ko na siya mahahabol, huminto na ako sa pagtakbo. Umiiyak ako habang hinihingal. Pakiramdam ko, hindi ko na kaya. Hindi ko alam kung kaya ko pang ituloy ang laban na ito.

Nagulat ako sa sinabi niya.

Nakakikilabot ang kanyang kwento.

Hindi ko alam kung totoo ito.

Bakit ayaw niyang tanungin ko ito? Liwanagin ang lahat? Bakit kailangang iwanan niua ang lihim na ito upang magdulot lamang ng agam-agam sa aking isipan?

"Pakiusap! Huwag kang umalis!"

Wala na akong nagawa kung hindi sumigaw na lamang sa kawalan.

x------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Puregold.

Comments

Popular Posts