Sulok

 Tuluyan na naman akong nanuluyan sa aking panaginip. Nakikita ko siya na hinahatak ang isang dalaga mula sa sala patungo sa silid sa unang palapag ng bahay. Umiiyak ito at nagmamakaawa sa kanyang huwag siyang dalhin sa isang sulok ng silid.

"Ayoko na! Huwag mo kong dalhin sa silid! Pakiusap!"

Parang wala siyang narinig sa mga pakiusap at lalo pang sumidhi ang galit sa kanyang mukha. Mas lalong umigting ang kanyang paghatak sa dalaga hanggang sa nasasaktan na ito.

"Pakiusap! Huwag!"

Umiiyak na ang dalaga, subalit kailangan niyang punasok sa silid. Nanlilisik na ang mga mata ng humahatak sa kanya. Matagal na rin kasi mula nang huling nanaginip ang dalaga.

"Kailangan mo nang matulog, mahal ko. Huwag mong gawin sa akin ito. Matulog ka na."

Umiling-iling ang dalaga habang umaagos ang luha sa kanyang mga mata. Kailangang matapos na ang kahibangang ito. Hindi na ito dapat magpatuloy pa.

"Mahal kita, alam mo yan. Pero hindi sa ganitong paraan."

"Kung mahal mo ako, tutulungan mo ko. Tara na mahal ko. Matulog na tayo."

"Ayoko sa silid na 'yan! Pakiusap."

Nanlisik na naman ang kanyang mga mata. "Susunod ka sa gusto ko."

Nakatatakot ang kanyang tinig. Kinilabutan ako, tuluyan nang nagising, hanggang sa nilisan na ako ng panaginip na iyon.

x-----x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Jack 'n Jill.

Comments

Popular Posts