Sigaw

 Naririnig ko na naman sa aming silid ang mga sigaw ng batang nahihirapan. Noong una ay mahina at marahan lamang ito, subalit habang tumatagal ay lumalakas at masidhi ang mga sigaw. Naaapektuhan na ako sa dalas ng mga sigaw kaya't lumabas na ako sa aming silid. Mahimbing ang tulog ni Ramir sa tabi ko; marahil hindi niya naririnig ang kaawa-awang panaghoy ng mga bata.

Pagkalabas ko ng silid ay biglang nawala ang mga sigaw. Naging matahimik ang kapaligiran. Sa sobrang tahimik nga ay nagsimula ang kilabutan. May umiihip na malamig na hangin sa kaliwa kong pisngi.

Sa dulo ng pasilyo ay may liwanag na tumatanglaw habang ang buong bahay ay nababalot ng dilim. Nakatoon ang aking paningin sa sulok na iyon hanggang sa unti-unti kong nakikita ang isang batang nagmumukmok sa sulok. Nakaupo ito sa sahig habang ang kanyang ulo ay nakadantay sa kanyang mga tuhod at ang kanyang mga kamay ay nakaakap sa kanyang mga paa.

Lumapit ako sa kanya nang dahan-dahan. Naramdaman niya ako. Iniangat niya ang kanyang ulo upang ako ay pagmasdan.

"Anong ginagawa mo rito?" sabi ng bata. "Makikita ka niya. Tumakas ka na habang may panahon pa!"

"Tumakas?" tugon ko. "Pero kanino?"

"Sa kanya! Tumakas ka na bago pa mahuli ang lahat! Huwag mo siyang pakinggan!"

x-----x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Romantic Baboy.

Comments

Popular Posts