Kanser

 Lumalala na ang kalagayan ni Christine. Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang sakit; napakasigla pa niya noong ikinasal sila ni Martin tatlong buwan na ang nakakalipas. Noong nabalitaan ko ito, alam kong kailangan ko siyang dalawin.

Dumating ako sa ospital na nakahanda na ang aking kalooban. Naalala ko pa ang sinabi ng bata na huwag ituloy ang kasal. Alam kong may katotohanan ang mga sinasabi ng mga nagpaparamdam sa akin, subalit wala akong lakas ng loob upang sundin sila. Hindi ko alam pero lagi akong balisa.

Nakita ko si Christine na malala na ang kalagayan. Sobrang sakit na ng kanyang kanser kaya't madalas na lamang siyang pinapatulog upang huwag na niyang maramdaman ang sakit. Sakto namang naroon si Martin nang dumalaw ako.

"Kumusta?" ang bati ko sa kanya.

"Ganun pa rin. Madalas na siyang dumadaing ng sakit. May taning na ng isang buwan ang kanyang buhay."

Malamlam ang tinig ni Martin. Halata ang kirot sa kanyang mga mata.

"May awa ang Diyos, Martin. Dasal pa tayo."

Tumango siya habang nakamasid sa natutulog na si Christine. Kita sa kanyang mukha ang pagkapagod.

x------x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Gong cha.

Comments

Popular Posts