Gabriel

"Gabriel? Ikaw ba 'yan?"

Hindi ako makapaniwala. Nakikita ko ngayon ang kapatis kong labinlimang taon nang patay. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Basta ang alam ko lang ngayon, masaya akong makita siya.

"Ate?"

Mahina ang tugon niya. Tila nawawala siya sa ibang dimensiyon at boses ko lamang ang naririnig niya. Alam kong hinahanap niya ako dahil nakikita ko siya.


"Nasaan ka, Gabriel? Nais kitang mayakap! Pakiusap huwag kang aalis."

"Ate, hindi ko na kaya. Tulungan mo ako. Hinahabol niya ako." May halong takot na ang mahina niyang boses.

"Ano bang nangyayari? At sino ang humahabol sa iyo?"

Umiling-iling si Gabriel.

"Ate, huwag kang maingay! Maririnig ka niya. Hindi ako papayag na makita ka niya ulit. Bagaman hindi ko na kaya, gagawin ko ito para lang sa iyo."

"Sino siya? Sino ang hunahabol sa iyo. Sagutin mo ako, Gabriel!"

"Mahal ka namin, ate. Hindi ka namin pababayaan."

x------x

Picture from Pexels.

Comments

Popular Posts