Cabanatuan

 Ayoko na munang pumunta sa Maynila kasi hindi rin naman ako makapagta-trabaho ng maayos. Malapit na rin naman akong mag-resign lalo na't napakahirap ng pinagdadaanan ko ngayon.

Ayon kay Manang Helen, may bangkay daw na natagpuan sa Cabanatuan. Binabalot daw ito ng kababalaghan sapagkat kakaiba ang hitsura ng bangkay. Nakabukas daw ang bibig nito at nakabural ang mga mata. Tila may nakita raw itong nakakatakot na siya namang ikinamatay nito.

"Kaya sinadya ako ng mga pulis upang malaman ang puno't-dulo ng krimen na ito," kwento pa ni Manang Helen.

Nalungkot ako bigla sa pangyayari, ngunit hindi ko alam kung bakit. Bigla akong kinabahan nang walang dahilan. Parang may mali sa mga nangyayari. Pakiramdam ko, hindi kami nag-iisa. May kasama kami.

"Hija, namumutla ka. Ikukuha kita ng maiinom," sabi ni Manang Helen. Nagmamadali siyang pumunta sa kusina.

Habang mag-isa ako sa sala, napansin ko ang isang anino na nasa upuan sa gawing kanan. Akala ko noong una, namamalikmata lamang ako. Subalit naroon siya, isang batang nakakubli. 

Nakabuka ang kanyang bibig at nakabural ang kanyang nga mata.

Hindi ako makakilos sa takot.

Bigla itong lumundag papunta sa mukha ko!

Sumigaw na lamang ako ng "Diyos ko!" dahilan sa matinding gulat.

x-----x

Ang larawan ay mula sa Pixabay.

Comments

Popular Posts