Tadhana

 "Sadyang itinadhana tayong magkita. Alam ko 'yun. Kaya mahal na mahal kita."

Hawak ni Ramir ang mga kamay ko habang nakatitig siya sa akin. Matagal ko nang alam na sobra ang pagmamahal niya sa akin. Ngayon, napatunayan ko pang lalo ito nang yayain niya akong pagmasdan ang dagat mula sa bintana. Tahimik ang loob ng bahay-bakasyunan. Sobrang tahimik.

"Ikaw ang nagpalaya sa akin. Ayoko na sanang umibig dahil lagi lamang nila akong sinasaktan. Wala silang nalalaman tungkol sa nararamdaman ko. Wala silang pakialam sa atin basta masaya tayong dalawa. Hindi ko sila hahayaang saktan nila akong muli. Tayong dalawa. Lalo na ikaw."

Tumango ako, habang tumutulo ang luha sa aking mga mata. Napahikbi ako nang marahan.

"Alam ko," sagot ko. "Nararamdaman kita."

"Salamat!" tugon ni Ramir. "Makakaya natin ang lahat basta magkasama tayo. Tutulungan kitang maalala ang lahat. Matatapos din ang mga paramdam ng mga espiritung iyan. Basta matapos lang ang lahat, at bumalik ang iyong alaala, magpapakasal na tayo."

Napangiti ako. Alam ko naman 'yun. "Iyan nga ang sabi ni Manang Helen. Matatapos din ang lahat."

Hinawakan ni Ramir ang kaliwa kong pisngi. "Hindi sila magtatagumpay. Hindi na nila tayong kayang saktan pa."

x-----x

Ang larawan ay mula sa Pixabay.

Comments

Popular Posts