Lason

 Nakita ko na naman ang tatlong bata. Naroon na naman sila sa tabing-dagat, kagaya noong dati. Puro dugo ang kanilang mga mukha, at ang kanilang mga damit na puti ay marungis.

Napahigpit ang kapit ko sa mga kamay ni Ramir. Hindi ko alam kung nakikita niya ang nakikita ko, pero alam ko kung ano ang pinagdaanan ng mga batang iyon.

"Nakikita ko na naman sila," sabi ko kay Ramir. "Ang tatlong batang madalas magpakita sa akin sa hardin sa bahay namin sa Nueva Ecija."

"Ganun ba?" tugon ni Ramir. "Iwasan mo nang papasukin ang mga lason sa isip mo. Makakasama sa iyo iyan."

"Lason?" tanong ko kay Ramir. "Anong lason?"

"Basta."

Pinilit kong huwag tingnan ang mga bata, at pagkatapos ng ilang sandali, nawala na rin sila. May ibang tao sa tabing-dagat maliban sa amin  at ang isa sa kanila ay biglang bumulagta na lamang. Pinagkaguluhan siya ng mga tao upang dalhin sa ospital.

Nagulat ako sa pangyayari. Hindi kaya kagagawan ng mga bata ang pangyayari? Ano kaya ang ibig sabihin ni Ramir?

"Huwag kang mag-alala. Iingatan kita. 'Di ba sabi ko iwasan mo nang papasukin ang lason sa isip mo?" 

x-----x

Ang maikling kwento ay itinaguyod ng Dunkin'.

Comments

Popular Posts