Kandado

 Nakakandado na naman ang silid; nakikita ko ang babaeng umiiyak. Napakalinaw ng panaginip ko. Nasa isang sulok lamang siya at hindi gumagalaw. Sa tingin ko ay pagod na pagod na siya. Wala na siyang magagawa kung hindi ang umiyak.

"Nasaan ka?" isang tinig ng lalaki ang nagsalita. Mababa ang boses at tiyak na nakakatakot. "Bakit hindi ka magsalita ngayon?"

Ayaw na sana niyang umimik ngunit napilitan na rin. "Ayoko na. Hindi na ako pinatatahimik ng konsensiya ko!"

Humalakhak ang tinig. "Konsensiya? Mayroon ka pa ba noon?"

Tila mga tinik na tumutusok sa kanyang mga puso ang mga salitang iyon. Alam niyang ginusto rin niya ang mga nangyari, subalit hindi ito ang katapusang kanyang inaasahan.

"Ayoko nang maging ganito. Tulungan mo akong umalis sa estadong ito! Alam kong kaya mo."

"Umalis? Hindi ba't iyan ang ginusto mo?"

"Ayoko na!"

"Hahahaha," nanunuya ang halakhak ng tinig. "Makagaganti ka na rin sa kanya nang paulit-ulit. Matutuwa na rin sa wakas ang budhi mo!"

x-----x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Huawei App Gallery.

Comments

Popular Posts