Katatagan

 Sadya nga kayang nalilimutan natin ang mga bagay o pangyayaring ating nararanasan sa ating buhay? Mabilis nga ba nating malimot ang mga taong dumarating at umaalis sa ating piling, bagaman napakarami nilang ginawa para sa atin na nagpabago ng ating pananaw sa buhay?

Sa totoo lang, hindi ko rin alam ang sagot sa mga tanong na ito. Marami rin akong nalilimot at madalas ay nahihiya ako dahil dito. Minsan nga, habang kasama ko si Ramir, para akong nakasilid sa isang hawla sa sarili naming silid. Wala akong naaalala at tila ninakaw ng iba ang memorya ng aking nakaraan. Marami talagang bagay ang sadyang hindi maipaliwanag.

Noong nakaraang Sabado lang, may nakita akong kababalaghan sa katabing silid. Babae ito, at nakaputing traje de boda. Subalit ang kanyang mukha ay tila naaagnas na. May hawak siyang mga bulaklak sa kanyang kanang kamay, habang kandila naman sa kaliwa. Umiiyak ito at nakatitig sa kanya.

"Huwag kang pumayag. Itigil ang kasal!" Mahinahon ang boses ng multo subalit nakatatakot itong pakinggan. "Huwag mong isusugal ang buhay mo."

"Sino ka?" tanong ko. Hindi ko lubos na maunawaan ang sinasabi niya.

"Mapanganib! Pigilan mo ang kasal!"

Naalala ko bigla na imbitado nga pala kami sa kasal ng pinsan kong si Olivia. Paano kaya niya nalaman ang tungkol dito? At bakit kailangang pigilin ang kasal?

"Subalit nagmamahalan sila," ang tangi ko na lamang naging sagot.

x-----x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Xiaomi.

Comments

Popular Posts