Kaibigan

Mag-isa na naman ako sa aming silid. Medyo naidlip na ako nang biglang narinig ko ang boses ni Rodrigo, isa sa mga kaibigan namin. Nai-kwento ko na siya sa inyo, at ngayong gabi ay naririnig ko ang kanyang musika. Nakahahalina ito at nakakagaan ng kalooban.

Napatayo ako bigla sa aking pagkakahiga sa aming kama. Gusto ko sanang tumayo, subalit tila may isang kamay ang humahatak sa akin, pinipigilan ako. Pagkatapos nito ay nakarinig ako ng isang boses na pamilyar na sa akin.


"Saan ka pupunta? Dito ka lang."

Sumagot ako. "Bitawan mo ko! Gusto ko lang uminom ng tubig."

"Uminom ng tubig o tumakas? Huwag kang aalis. Diyan ka lang."

Habang nag-uusap kami ay narinig kong umawit si Rodrigo. Napakaganda talaga ng kanyang boses, para siyang anghel tuwing kumakanta.

"Hindi ka makatatakas! Humanda sila!"

"Ayoko na! Narinig mo? Layuan mo ako!"

Napahalakhak ang tinig na iyon. Nang-uuyam.

"Akin ka lamang. Walang makikinabang sa iyo kundi ako."

x------x

Ang Maikling Kwento ay inihatid ng Chatime.

Comments

Popular Posts