Takot

 Ngayon ko lamang nakita ang takot sa mga mata ni Manang Helen. "Anak, mag-iingat ka. Narito lamang sila sa paligid. Mahirap magkamali ng kilos. Kapwa nating mahal ang mga nakapaligid sa atin. Kailangan ang maigting na pag-iingat."

Alam ko ang nais ipahiwatig ni Manang Helen. Kapwa namin nauunawaan na ang labang ito ay laban naming dalawa. Hindi lamang ang mga espiritu ang sadya ng mga panggugulong ito. Kasama na rin kami, at wala na kaming magagawa. Katulad niya, natatakot na rin ako.

"Mag-ingat din po kayo Manang Helen. Kaawaan nawa tayo ng Diyos."

Tumango si Manang Helen, at niyapos namin ang isa't-isa. Kapwa kami humuhugot ng lakas sa aming kapwa presensiya sa gitna ng laban na ito. May tumulong luha sa aking mga mata.

"May dahilan ang Diyos kung bakit ibinigay niya ang laban na ito sa iyo, anak. Huwag kang tumangis sa mga bagay na wala ka namang magagawa. Ililigtas natin sila. Iwasan mo nang mag-alala."

Tumango ako, ngunit alam ko rin naman ang takot sa mga mata ni Manang Helen. Nakikita ko ito sa kanyang mga mata.

"Ililigtas natin sila," sagot ko.

x-----x

Ang Larawan ay mula sa Pixabay.

Comments

Popular Posts