Kasinungalingan

 "Manang Helen, hindi ko alam kung ano ang kailangan niya sa akin. Natatakot na ako sa lahat ng kasinungalingan. Parang hindi ko na kaya."

Naka-akbay si Manang Helen sa akin, habang pilit niya akong pinapakalma. Nakatatakot na talaga ang mga pangyayari. Kahit siya ay natatakot na rin. Nakikita ko sa kanyang malamlam na mga mata.

"May awa ang Diyos, hija," tugon niya.


Alam naman naming dalawa ang kasagutan sa mga tanong ko. Wala kaming magagawa. Kailangan naming alamin ang gusto ng mga kaluluwang ito. Kahit man siya ay tila nawawala na.

"Ano ba talaga ang kailangan nila sa atin? Bakit ayaw nila tayong palayain? Dapat ba tayong maging bilanggo ng nakaraan?"

Tuluyan na akong napaluha. Nagsumbong na ang aking puso sa aking mga mata, at ang aking takot ay lumabas bilang mga tulo ng luha. Matagal na rin akong hindi umiiyak, at ngayon nga tuluyan na akong bumigay. Napahagulgol na lamang ako.

"May kasagutan ang lahat ng tanong. Magtiwala lang tayo," sagot ni Manang Helen. Tila siya ay hindi rin sigurado sa kanyang tinuturan.

x-----x

Ang maikling kwento ay inihatid ng National Bookstore.

Comments

Popular Posts