Kalituhan

 Hindi ko na maintindihan kung sino siya talaga. Hindi ko na maalala ang kanyang hitsura kahit ilang beses ko na siyang nakita. Nagsisinungaling nga kaya ang mga mata ko, gaya nang sinabi ni Manang Helen?

Basta ang alam ko, may nakikita akong hindi nakikita ng iba. Kaya bakit magsisinungaling ang aking mga mata, gayong mas marami pa akong nakikita kaysa kanila?


Minsan, may naririnig akong humihikbi sa silid na iyon. Nakakandado ito, gaya noong bata pa ako. Noong una ay akala ko kung ano lamang iyon, subalit habang pilit ko itong nililimot ay lalo ko naman itong naririnig. Nangungulit ang hikbi sa aking mga tenga.

"Sino 'yan?" tanong ko.

Humina ang hikbi habang hinahanap ko ang pinagmumulan nito.

"Nasaan ka?"

Biglang huminto ang iyak. Akala ko tahimik na ang lahat nang biglang may malamig na kamay ang humawak sa aking balikat.

Napasigaw ako sa gulat!

x----x

Ang maikling kwento ay inihatid ng KFC.

Comments

Popular Posts