Hawak-Kamay

 Hawak-hawak ko ang kamay ni Ramir habang pilit kong kinakaya ang mga pangyayari sa aking buhay. Kailangan ko ng karamay ngayon, kaya't isinama niya akong muli sa tabing-dagat upang makapagmuni-muni.

Ang akala ko magiging madali lamang ang lahat. Mahirap palang tumulong sa problema ng iba kasi madadamay ka rin sa lahat ng pighati. Nakakapagod ding umasa na makatatakas pa ako sa gulong pinasok ko.

Hinigpitan ni Ramir ang hawak niya sa kanan kong kamay. Kaliwete kasi siya. "Makakaya mo rin ang lahat. Magtiwala ka lang."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Ramir, subalit kailangan ko lang ng kasama ngayon. Kailangan ko ng makakausap.

"Siguro nga. Masasanay din ako."

"Narinig mo naman ang sinabi ni Manang Helen hindi ba?" tugon ni Ramir. "Kailangan lang nating mag-ingat at matatapos na rin ang lahat. Unti-unti nating matatanggap ang mga pangyayari hanggang sa maging malaya na tayo sa tanikala ng kahapan."

Ngumiti ako at sumagot, "Siguro nga."

"Kaya mahal kita e," tugon ni Ramir.

Ang totoo, hindi naman ako masyadong nakatuon sa usapan namin. Tila nawawala kasi ang aking ulirat sa alon ng dagat. Mahal ko rin naman si Ramir. Mahal na mahal. May mga bagay lang talagang gumugulo sa aking isipan na nais kong takasan.

x----x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Pay Maya.

Comments

Popular Posts