Bangungot

 Tumatakbo ako ng mabilis palayo sa kanya. Totoo! Mamamatay tao siya! Siya nga ang salarin. Hindi ko lubos-maisip kung bakit pinagkatiwalaan ko siya. Unti-unti niya akong dinala sa bangungot na ito, at wala akong kamalay-malay. Naging marupok ako sa kanya, kaya't hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Biglang umulan nang malakas, at mabilis na naging basa ang lahat. Habang tumatakbo ako ay iniisip ko kung paano ako nakakatakas sa tanikalang ibinigay niya sa akin. Hindi ito madali para sa akin. Subalit, pumapatay siya ng mga inosenteng tao at hindi ko ito kayang palampasin. Gusto ko nang lumayo sa kanya.

Tumigil ako sandali sapagkat hinihingal na ako. Lumingon ako sa pinanggalingan ko upang piliting kalimutan ang lahat. Kalimutan ko siya. Subalit habang pilit ko siyang kinakalimutan ay lalo ko siyang naaalala. Iginapos niya ako sa kanyang tanikala.

Totoo. Hindi ako makawala.

Wala nang panahon. Kailangan ko na uling tumakbo. Ayoko na sa kanya. Bakit kasi pumayag pa ako na gawin ang mga bagay na ito? Alam kong may dahilan kung bakit nagpapakita sa akin ang mga multo, at ngayon alam ko na.

Biktima rin pala sila. At ngayon, ako na ang susunod.

Mabulaklak ang kanyang mga salita. Kahit sinong marupok ay tiyak na mahuhulog sa kanya. Alam niya kung paano paikutin sa kanyang mga palad ang kanyang mga biktima. Oo. Ganun siya katraydor!

Madulas ang daanan, puno ito ng putik, kaya't nadulas ako at nasubsob sa putikan.

Bigla akong nagising mula sa bangungot na iyon. Nagising akong yakap-yakap ni Ramir. Tumulo ang luha sa mga mata ko.

x----x

Ang maikling kwento ay ginawang posible ng Potato Corner.

Comments

Popular Posts