Krimen

 May pinatay raw sa kabilang kanto. Ginahasa muna bago pinahirapan at binigti. Wala naman daw narinig na ano mang ingay mula sa silid ang mga kapitbahat nang gabing pinaslang ang biktima.

Ayon sa mga pulis, dalawang araw na raw patay ang dalagita kaya umaamoy na ang mga labi nito. Sang-ayon sa mga saksi, nakanganga raw ang bangkay na tila sumisigaw, at nakababa ang saplot nito pang-ibaba.

Subalit wala namang kaingay-ingay man lamang ang narinig ng mga kapitbahay kaya palaisipan pa rin kung sino ang gumawa ng krimen. Wala rin raw namataan na dumating at umalis mula sa bahay ng dalagita.

Mag-isa nang naninirahan doon ang dalagita sapagkat matagal nang nagpunta sa Canada ang kanyang mga magulang. Tahimik lamang siya at walang ano mang reklamo sa kanya. Wala ring alam na kaaway ang dalagita kaya't iisa lamang ang nalalaman nilang dahilan. Ginahasa siya nang walang kalaban-laban.

Ang alam ng mga kapitbahay, maraming nanliligaw sa kanya subalit wala naman siyang sinasagot. Takot kasi siyang maging dalagang ina. Subalit ganun pa man, marami ba ring mga binata ang nagti-tiyaga upang mapasagot siya.

Nakatatakot talaga ang itsura ng bangkay nang matagpuan ng pulis. Tila isang bangungot ang kumitil sa buhay ng dalaga. Kung sino man ang gumawa sa kanya nang krimen na ito ay tila may kung anong kababalaghan ang bumabalot sa kanyang katauhan. Kakila-kilabot ang mga pangyayari.

Kung ano mang hiwaga ang bumabalot sa misteryong ito ay mananatili na lamang na isang lihim. May mga bagay talaga sa mundo na hindi maipaliwanag.

x-----x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts