Gulat

 "Siya nga! Siya nga ang pumatay! Anna tumakbo ka!"

Nakita ko muli ang mukha ng salarin habang may hawak siyang itak sa kanyang kanang kamay. Nakangisi siya habang nakatayo malapit sa pinto nang silid.

"Tumakbo? Saan siya tatakbo?" Tumawa nang malakas ang salarin. Makikita mo pa rin sa munting liwanag sa silid ang kanyang magandang mukha. Pero hindi siya anghel. Halimaw siya! Halimaw!

Nakaramdam muli ako ng takot habang ang batang si Anna ay nakahakap muli sa aking tagliran. Pareho kaming nanginginig. Sino ba naman ang hindi mahihintakutan sa halimaw na yan.

"Lumayo ka sa bata." Kinakausap ako ng halimaw. "Ayokong saktan ka. Ibigay mo sa akin ang bata at lumamabas ka na sa silid na ito. Dinadaya ka lang ng iyong mga mata. Hindi lahat ng mata ay mulat. Bilisan mo."

"Ayoko! Tama na! Tama na ang pagpatay mo sa kanila. Nahihirapan na ako. Tigilan mo na kami!"

"Tigilan? Paano ititigil ang isang bagay na mali? Patuloy itong magiging mali habang sa maging tama. Ganyan lamang ang buhay. Ibigay mo sa akin ang bata at nang matapos na ito."

"Ayoko na!"

"Ngayon na. Bilis!"

Bigla akong nagising sa pagtulog ko. Muli, may luhang umagos sa aking mga mata. Kailangan ko silang tulungan.

x----x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Max's Restaurant.

Comments

Popular Posts