Umuusig

Nakakatakot ang mga naririnig kong mga boses sa ulo ko, subalit wala naman akong magagawa. Kailangan harapin ko ang sitwasyong ito. Hindi ko ito kasalanan! Nadamay lamang ako sa mga pangyayari. Huwag nila akong usigin sa mga naganap sa kahapon. Maawa sila!

Alam kong kailangan ko siyang sundan. Siya ang may alam sa mga nangyari. Siya ang pumatay, subalit wala naman akong ebidensiya na magdidiin sa kanya. Siya ang itinuturo nila na may pakana ng lahat. Siya ang dapat usigin.


Kalunos-lunos ang mga kwento tungkol sa mga ginawa ng taong ito. Maamo mang parang anghel ang kanyang mukha, subalit nagiging mabangis na hayop siya lalo na kapag nagagalit. Nakita ko na siya sa mga panaginip ko, at dinala ako ng mga tinig sa lugar na ito upang ipaalala ang lahat. Hindi ko makakalimutan ang mukhang iyon.

Kailangang hindi niya ako mapaghinalaang may hinahanap akong ebidensiya laban sa kanya. Hindi ko alam kung hanggang kailan papayag si Ramir sa gagawin ko, subalit pumayag naman siya. Kailangang bigyan ng hustisya ang mga pagpatay na ito.

Tama, usigin ang dapat managot. Bigyan ng kasagutan ang mga panaghoy ng mga tinig na umiiyak sa kawalan. Para sa ikatatahimik ng mga kaluluwang uhaw sa hustisya. Para sa mga namatay nang walang kalaban-laban. Kailangang bumawi ang mga inapi. Tumayo ang mga nadapa sa gitna ng dilim. Manalig.

x-----x

Ang larawan ay mula sa Pexels.

Comments

Popular Posts