Takbo

Nakita ko na naman siya! Tama, siya nga 'yon. Anong gagawin ko? Wala namang ibang taong nakakaalam ng sikretong ito. Ako lamang, hindi ba? Wala namang maniniwala sa multo. Kahit subukan ko pang magpaliwanag sa kanila.

Pinagmamasdan kong mabuti ang bawat niyang galaw. Alam kong gagabayan niya ko, kaya dapat managot ang managot. Tama na ang mga pagpaparamdam. Tama na ang mga simpatiyang wala namang patutunguhan. Kailangan ko nang gumalaw. Maglakbay. Tumakbo.


Habang tinitignan ko ang bawat kilos niya ay napabaling ang tingin niya sa akin. Umiwas ako bigla at pasimpleng nagtago. Subalit nakita na niya ako. Anong gagawin ko? Lumalapit na siya sa akin. Kailangan kong umisip ng palusot. Kung hindi, baka pag-isipan niya ako ng masama.

At hindi lang 'yon. Kahit maamo at gwapo ang kanyang mata, alam kong mamamatay tao siya. At marami na siyang naging biktima.

Humanda na siya. Sapagkat hindi siya makatatakas sa kamay ng batas.

x----x

Ang maikling kwento ay inihatid ng Bon Chon.

Comments

Popular Posts