Patalim

Nakikita ko na naman sila. 'Yung mag-asawa na laging nag-aaway. Ngayon, pinagtatalunan na naman nila ang tungkol sa pera. Nahuli na naman yata kasi ni misis na ginagastusan ni mister ang kabet niya. Malapit na silang magkasakitan. Umaalingawngaw sa buong buhay ang sigawan nila.

Habang nag-aaway sila ay nakita ko ang isang lalaking pumapasok sa likod ng bahay. Nakalimutan yata ni misis na isara ang pintuan sa kusina sa likod. Unti-unti, pumasok ang lalaki, habang walang malay ang mag-asawang nag-aaway sa sala.

Namataan ng lalaki ang isang kutsilyo malapit sa lababo. Kinuha niya iyon habang maingat na pinagmamasdan ang mag-asawa sa sala. Patuloy pa rin sila na nagsisigawan sa isa't-isa.


"Saan mo na naman ginastos ang komisyon mo? Sa babae mo na naman! Walanghiya ka talaga! Hindi ka na naawa sa akin?"

"Wala akong ginagawang masama! Napakadumi ng isip mo!"

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang lalaki sa kusina at nagpakita na ito sa kanila. Napatigil ang nag-aaway nang makita siya ng mga ito.

"Sir James?" Nakilala ni misis ang lalaki.

Napangisi ang lalaki nang kausapin siya nito. "Hindi ba sinabi ko sa inyo na walang lalabas sa silid? Anong ginawa niyo? Hindi niyo siya binantayang mabuti. Bakit?!"

"Maawa kayo, sir. Nakatakas talaga siya! Itinulak niya ako habang ibinibigay ko ang kanyang pagkain. Hindi ko kasalanan!"

"Sinungaling kayo!"

Inilabas ng lalaki ang kutsilyo.

Nagising ako habang inuundayan ng saksak ng lalaki ang mag-asawa.

x----x

Ang maikling-kwento ay inihatid ng Krem-Top.

Comments

Popular Posts