Balik-Tanaw

Naaalala ko pa rin ang lahat, matapos mangyari ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung bakit ako pa, marami namang iba. Noong una hindi ko maintindihan kung bakit. Pero madalas, naiisip ko, kaya siguro nangyari ang lahat ng ito sa akin kasi kailangan itong mangyari. May mga karanasan tayo na nagiging parte na ng ating pagkatao. Ang mga ito ang bumubuo sa ating sarili, kung sino tayo at kung ano ang magagawa natin para sa atin at sa ibang tao.

Naalala ko ang lahat ng mga silid na iyon, sapagkat may sinasabi sila sa akin kung ano nga ba ang kahulugan ng buhay. May mga bagay talaga na nagiging pundasyon na ng kung sino tayo, at pawang ang mga ito ang sadyang mahalaga.

Ngayon ko lang bapagtanto na ang buhay ay para ring isang malaking silid. Sa halip na mga multo, ang mga karanasan natin sa nakaraan ang pilit ba dumadalaw sa atin, at bais nitong patakbuhin ang buhay natin sa hinaharap. Ang mga tanikala ng nakaraan ang nagpapabigat sa ating landas pasulong. Sadya ngang nakakalungkot ang katotohanang ito. Masakit. At puno ng kirot.


Ngayon, alam ko na ang lahat. Nasagot na ang mga katanungang gumugulo sa aking utak. Sa wakas, unti-unti na akong makakaalis sa sumpa ng nakaraan. Mga tanikalang hindi ko ginustong isuot subalit nagparamdam. Ang mga gapos na ito na wala naman talaga akong kasalanan.

Nasaan nga kaya ang hustisya? Pilit ko itong tinatanto habang pinagmamasdan ang malawak na karagatan. Maaari nga sigurong  matagalan ang hustisya subalit hindi nito kayang takpan ang katotohanan. Kailan man ay hindi ito magkakaroon ng uod at maaagnas. Aamoy ito. Malalaman ito at magdiriwang ang lahat ng makakatanto.

Sana lamang, sinabi nila ito sa akin nang maaga. Upang maiayos na ang lahat habang may panahon pa. Sadyang nakakatakot pa rin magbalik-tanaw. Alam ko ito sapagkat ito ang aking karanasan.

Ito ang aking kwento.

Comments

Popular Posts